Met with my high school barkada and classmates last Friday night. Sa Teriyaki Boy Eastwood (suggested it, hehe, favorite ko kasi) kami lahat nag-dinner. Before the reunion, after my meeting with a client, uwi muna ako to take a bath and choose outfit. Siempre, tagal ko na di nakita my classmates kaya extra effort sa pag-aayos. Met up first with my barkada Techie and Jessica sa Monte Vista bago sabay na kami in one van to go to Eastwood. Puro daldalan, ha ha. After dinner, hanap kami ng venue for our picture taking (as if di pa enough yung sankaterbang pictures while eating dinner) and found a stairway. Tamang-tama, paakyat si Jericho Rosales (sh?t ang gwapo! Anyways, he’s a local artista who did a remake of ‘Ang Panday” for TV) and nahila namin sya to join our picture-taking. Ang aking mga sosyal na classmates, naging baduy, ha ha After dinner, coffee sa Seattle’s Best (pero ako chocolate drink) then inuman at Dencio’s (pero ako soda lang… kj eh). Hay, nice to meet up with old friends and reminisce and update and swap kwentos!
I was able to snag a copy of my high school annual picture. He he, mukhang tokneneng ang itsura. According to my annual, I was an “efficient prompter of seatmate”. Bukod sa nagdidikta ako sa mga kaklase ko during recitation, nagpapakopya pa ko. Eh one time, yung nangopya sa kin, essay yon, sakto ang pagkakakopya. Eto pa, hindi sinoli sa kin ang papel ko kundi sya na ang nagpass. Eh di magkasunod ang papel namin, ayun, nahuli ng teacher. Pinatawag kaming dalawa at tinanong kung sino sa amin ang nangopya. Di ko nga sinagot, nakakainsulto ang tanong eh. Ayun, bagsak ako sa World History, nyok!
Saturday, August 12
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
6 comments:
Oist Ate Yoyang, kumusta ka na? Hope you're fine. Ok naman ako, busy lang & masaya yung pag-sing namin sa building inauguration worship service ng church last week! :) Sayang, sana nakapunta ka!
Halata sa pic na enjoy kayo. Sabi mo tagal kayo di nagkita, gano katagal? Nung biglang tingin ko sa title/pic ng post mo & di ko pa nabasa text, akala ko may classmate kayong male hanggang sa namukhaan ko sya, hehe..
Nakakatawa kwento mo about the essay! Btw, dahil sa annual pic mo, naalala ko tuloy kwento mo sa kin nung college pa tayo na tinanong ka ng doctor: "anong grade mo na?" Nung sinabi mong "1st yr" -- tanong nya: "sa high school?" Sagot mo: "sa college ho!" Di ba? :)
sino ba itong dalaginding na ito na ke kyut kyut? hehehe...napagkamalan kang 1st year high school?
sana sinagot mo na, "oho, genius ho kasi ako kaya naka enroll na ko sa college kahit na high school pa lang ako."
ka batch mo ba si dolly ann carvajal? kasi noon sabi nya saken kilala ka daw nya at pareho daw kayo ng skwela ng minsan makita nya na magkasama tayo.
Atebads, thanks for the update on your singing. I'm sure wala ka pa ring kupas :) Naisip ko nga you'll be busy with the opening of classes and the exam weeks.
Enjoy nga talaga. Some of them I last saw in high school pa, more than 25 years ago. Highlight of the evening si Jericho. While we were eating, dumaan na yan si Jericho and someone pointed him out. One of my classmates said "yuck, ang baduy!!!" pero nakita mo naman nung picture-taking, tuwang-tuwa naman he he.
Oo nga, naalala mo pa episode ko with the doktor. Ganun talaga pag nabiyayaan tayo ng babyface, he he
Oo nga kala high school ako, buti na lang naalala ni Atebadadang para ma-remind nya sa kin itong pangyayaring ito, he he. Lagi mo ngang babanggitin yan, Atebads, pa-ulit-ulit :)
Accelerated epek ha. I skipped high school kasi eh he he
Batch higher si Dolly Anne but she was super-friendly kaya kahit di nya ka-batch kakilala. Tuwa ako sa kanya kasi she remembers. Yung high school kabarkada ko met one of our batchmates sa mall at sabi sa kanya ‘What’s your name na nga?”. It wouldn’t be so bad if they weren’t neighbors and magkababata. Sabi ko naman, baka na-ceasarian yan, na-general anesthesia kaya malilimutin na, hehe
oist, ang saya naman ng pics yoyang, walang kupas ang mga batchmates mo ah, puro babyface gaya mo. kala ko tuloy, andyan si echo kse ex mo't kababata...he he...
nyut nyut ng high school pic, di naaalis ang youthful looks mo. no ba sekreto mo ha?
ako, heto mukang pinagkupasan na ng panahon.
sana kahit man lang pinandilatan mo ng mata at tila baga sobrang shocked sa tanong nya yung titser nung nagtanong kung sino ang nangopya - makuha sya sa tining noh?
kakaaliw na update.
Welcome back Tulipya! Ang tagal mong nawala, napag-isip tuloy kami ni Ate Krung-Krung pero I'm glad ok lahat :) Secret of youthful looks (naks parang tutuo) ko ay .... Johnson's Baby Powder, he he. Or baka naman my wierd habit of using toothpaste panghilamos ng mukha, sarap kasi eh, minty! Hay naku, pero halata na talaga ang edad ko kasi some people are using 'po' and 'opo' when talking to me na :(
Post a Comment