Sunday, June 25

Dilaw na buhok

Nung Biernes, pumunta ako sa Saint Luke’s hospital to submit my urine sample (collected over a 24-hour period). Ni-collect ko urine at nilagay sa isang wine bottle. May dala pa akong cooler with ice ha to keep the specimen fresh. Yung mga kasabay ko, cup lang ang mga dala eh ako isang bote, he he. Aligaga ang mga tao sa ospital nuon at daming cameras and media people dahil naka-confine si GMA since yesterday. Hmmph sumabay pa sa akin, hirap tuloy makapasok. Hinarang pa nga wine bottle ko at bawal daw yung sa loob, sabi ko di wine yun kundi urine sample… hayyy. Hinihintay ko nga na may mag-interview sa akin eh para masabi ko naman ang aking reaction a biglang pagkahospital at aking message para kay GMA. Sasabihin ko na sana ay magpagaling sya agad at ipagdadasal ko na mabuhay pa sya ng matagal at ng matigil sa pag-salivate ang mga taong gustong alisin sya. Heniweys, nag-taxi lang kami ni sister to St. Luke's. Si Manong driver, bright yellow ang buhok. Character baga. Halatang mong fun syang tao pati sa pagkekwento. At pag may nakatabi sa kalye na taxi din, binabati nya yung driver nun. Ok tong si Manong pwedeng manalo ng Mr. Congeniality. Sayang di ko nakunan ng picture, kakainis…

Milestones:
FATHER'S DAY
With Switham, niece, and cousin
Walang sawang paggi-games pa din hanggang gabi :)

PAMAMANHIKAN
Catered ang food
Huling-huli habang nagte-take home ng spaghetti, he he Posted by Picasa

17 comments:

ss said...

Ei Ate-Yoyang, ibang klase talaga tong mis-adventure mo! Grabe, napagkamalan pa ang sample mo.. At sumabay ka pa sa presidente! Sayang, dapat na-interview ka & na-televise.. Habang binabasa ko to, nai-imagine ko yung experience mo. :) Btw, anong games ang walang sawa nyong nilaro? Kanino kayo namanhikan?

Anonymous said...

Titdaday, how was your birthday? Did you go to the seafood place? Ano handa mo? Bakit hindi kami invited? :( hu hu hu

Yung nilaro namin 25,000 pyramid. Yung you have to guess the category i.e. your partners says 'roller coaster, ferris wheel, carousel' tapos you guess 'rides in an amusement park'. Ganun. Talo kami,nyek :(

Namanhikan sa amin yung boyfriend ng sister ni Switham. The boy's family brought everything- food, utensils, drinks. Proud to say sa amin ni Switham nagsimula ng tradition na to. Kasi requirement ni Mommy na mamanhikan sila before we got married. All other kapatid ni Switham marrying after us followed suit.

ss said...

hehe.. Ikaw naman si weewee ngayon (di na roadrunner)?! Masaya naman bday ko, we just stayed home. Pero pumunta dito 4 pamangkin ko Saturday, 2 out of the 4 nag-overnight dito till Sunday (my bday), plus yung dalawa dito (anim sila lahat). Sana pag nag-reunion tayo, laro din tayo, saya yan! Mga kapatid ko rin, meron din pamanhikan.. :)

Anonymous said...

oi, weeweekrungkrung!!! panay ang kain mo ng masasarap ah!
saan ba kayo nakatira, sa antipolo? di ba pag namamanhikan kailangan mag dowry ng 10 kalabaw at 15 ektaryang palayan at orchard ng mangga at lanzones? ako, ang nakuha kong dowry puro sushi at sashimi laang eh....kalungkot ng buhay talaga oo!!

pag si titdaday ang pinamanhikan dapat ang dowry ay bukuhan at niyugan para libre ulit tayo sa sabaw ng buko.

Anonymous said...

Gumising ka Maruha, nandito po ako sa Marikina. Ako ang dowry ko ay chinese food naman :) Oo nga, antay natin pamanmanhikan para kay Titdaday, sana magdowry ng snow para may snowcone tayo... oo, oo yung buko flavored :)

cacofonix said...

oist gusto ko yung wine sample ek ek mo ha, type the creativity, aliw ako he he. miss ko ang pinoy eccentricity, kakaaliw - gleng ang philosophy sa buhay ni manon g noh? yeah, why not? dare to be different but happy without stepping on the toes of anyone.

panay kain mo, may baboy na naman ba dyan? at shell fish? hmp.

hokey, mukang nag-eenjoy si weewee...ibalik nyo ko sa Pinasssssssssssssss....miss ko na naman tuloy!

ss said...

Bonjour Ate-Yoyang! Kumusta ka na at ang mga tests mo? Di ba napagkamalan pa ngang wine, hehe.. Hope & pray you're fine! Btw, may update na ako sa blog.. See ya, God bless! :)

Anonymous said...

Kumustasa Titday! Just got my tests and I have yet to go back to my doctor so she can read the results. Thanks! Nakita na ko na new blog entry mo at aking nasambit "sa wakas!" he he tagal mo kasi mag-update eh. Kasali ba sa pics yung kaibigan mo? Alam mo na. Nandun ba? Which one? Psst.

Anonymous said...

Atulipya, balik ka nga dito sa Pilipinas :) Kung gusto mo, sabayan mo na si Atinapay pag-uwi nya dito later this year. Sige na promise eat-all-you-can taho tayo :)

cacofonix said...

pengengggggggggggggggggggg tahoooooooooooooooooooooooooooo.........

Anonymous said...

oi, mga krung-krung, di ba ang taho may kahalong liquefied na kulangot ng mga intsik? (wag mo kong sakalin badaday ha, di ikaw pinapatamaan ko mwehehehek). di na ko kumain ng taho magmula nung makapunta ako sa isang factory nyan sa malabon eh hehehe....at saka yung mamang taho, when he's ladling the taho into the baso, natutuluan ng pawis at uhog nya yan habang nakayuko sya hehehe....mainit kasi sa pinas at di ba naglalakad sila kaya laging pawisan? i hope i didn't ruin your appetite for the delicious nutritious mighty taho, yung aken naman eh paalala lang. ngayon, kung ok lang sa inyo makahigop ng tinunaw na kulangot ng intsik eh di sumige kayo!! basta wag nyo ko sisishin na di ko kayo pina alalahanan bilang isang tapat na katoto. yun kasing tinunaw na kulangot ng intsik ang dahilan kaya maganda ang texture at consistency nung taho. tapos samahan mo pa ng pawis at uhog nung mamang taho, shluuurrpppp mas masarap at mas malinamanam, namnam, namnammmmmm.....

Anonymous said...

Ms. Utak Taho, kahapon lang eh kumain ako ng taho. Peborit ko pa naman lalo na at si Manong eh lagi nya dagdag taho and arnibal for me. Na-feature nga yan dito sa TV about a taho factory na super yucky. Pero sabi Manong malinis daw yung gawa nila, may sanitary permit pa nga raw sila eh. Heniweys, lasang malinis naman. Eh kung hindi naman eh di oras na para mag-Combantrin, nyek

Anonymous said...

oisttttttttt....regardless, tiosang, we will still celebrate our reunion with a taho buffet under the auspices of the malabon factory and the waitership of "sweating manong taho carrier under the sun" someday......yep, wid the mildly-spiced, dried and delectable kulangot ng intsik as side dish.

too much to get rid of my all time favorite taho. yeah!

Anonymous said...

ei manang yoyang, teka na-ospital ka nga ba? bakit, anong naging problema?

ss said...

Hi Ate-Yoyang! Kumusta ka na? Hope & pray you're ok! Btw, being one of the choir alumni, I’ll sing with them in our church’s..

Building Expansion Inauguration Service
Aug 6 (this Sun)
9am-12nn
Venue: new building Worship Center

I’m inviting you, at walang ticket yan coz special worship service yan. I really hope you can make it. See ya then, God bless! :)

Anonymous said...

Atetulipya, di ako naospital kundi si sister pero nag-stay din ako dun. Kaya attend ako seminar ng pain management. May nakuha akong virus kasi when she was discharged, I was having a fever na... pero magaling na ko at magpapatugtog na ng Christmas carols!!! yey!!!

Anonymous said...

Atebad, galing ng invite mo walang address... parang di bukal sa loob ang pag-imbita... joke lang :) May walk me tomorrow, oo, salamat naman at di last minute ang invitation mo. But don't worry, parang naririnig ko na ang kanta mo :) Parang mga anghel na umaawit ng papuri :)