Tuesday, May 30
Hapi Bertdey
Meron bagong game dito called Pinoy Henyo. You will have to guess the word taped on your forehead within a time limit (2 mins). Bibigyan ka ng clue. You have a partner or teammate na pwede mong tanungin about the word. Ang pwede lang nya isagot sa yo ay Yes or No.
Sample --- word is "SPOON"
you: Tao ba to?
Pakner: no
you: hayop?
Pakner: no
you: bagay?
Pakner: yes
you: nakikita ba to sa bahay?
Pakner: yeeeesss!
... and so on until you guess the word or you run out of time. Nakakatuwa tong game na to kaya every family gathering-- Christmas, New Year, birthdays eh nilalaro namin to. Recently, attend kami sa 60th birthday ng Tita ni Switham. May game na ganito eh boys vs girls. Reklamo kami ng reklamo na nandadaya ang mga boys eh di nila alam mas madaya kami. Alam na namin kung ano yung mga words, tawa kami ng tawa kasi siempre nung turn ko na, pretend pa kunwari na tanong ako ng tanong. After 20 seconds, sinabi ko na sagot, he he.
Attended a Mcdonald's children's party. Ang shop ang gumawa ng princess gown ng celebrant na si Rizza and Lizzie Mcguire attire ng aking pamangkin na si Dominique.
Sumali ako sa games, kakatuwa kasi nanalo kami eh :) Won a toy binoculars na inarbor naman ng pamangkin kong si JC. Ang sarap ng McDonalds specially their caramel sundae, grabe. Buti na
lang may 24 hours open na McDonalds kaya minsan madaling araw eh dinadayo pa namin yan :)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
4 comments:
oi party galore ka nowadays ah, mukang henjoy na henjoy ka.yoyang ganyan ka pa rin hanggang ngayon, uber "madaya," parang ako..wehehehe. alam ko we victimized somebody b4 to think na wala tayong insider trading dun sa palabunutang ginawa natin nun tungkol sa English course assignment (ba yun? help me with my memory) natin...hino kaya yun? *wink*
Ganda outfits nung kids, sosy sila ha? Designer dresses. Kaninong anak si Dominique and JC? Turuan mo kami yang Pinoy Henyo na yan samday. Sarap dyan bukas hanggang madaling araw ang McDo. Dito, pag tuntong ng alas 10, itataboy ka na in 99 % of the establishments. *sigh*
Uy Ane-Yoyang, panay party ka pala ngayon ha! Kakatuwa pics mo, na-capture ang saya nyo sa parties! At mukhang enjoy laruin ang Pinoy Henyo, pero hanggang ngayon madaya ka pa rin, hehe :) Laruin natin yan ha..
Ang nyut-cute ng girls at ganda ng outfits nila! Di ka na naawa sa bata, pati toy ng pamangkin mo inarbor mo pa, pahiram.. hehe :)
Atetulipya, oo may na-victimize nga tayo before but what I remember is palabunutan na kung sino man makakuha ng folded paper na may star, may gagawin eh. Di nya alam, we placed stars on all the papers but when we opened ours, deadma sa star at sabay sambit-- yehey wala akong star!!! Di ko na ma-remember details but I'm sure Atebads Na Walang Memory Gap ang makakaalala nyan :)
Dominique and JC are children of my cousin na very close sa amin. Ini-spoil nga namin mga batang yan eh :)
Uy Atebads, kalimutan mo na ang nakaraan, magbabago na ko, di na ko mandadaya (ng madalas, sometimes na lang)
May naaalala ka nga bang na-victimize noon? Wala akong mahugot sa memory filing cabinet ko from that era about pandaraya eh :)
Post a Comment