Harapan ng aming abode habang hinuhukay ng mga Manong taga-DPWH. Notice that the tasks like paghuhukay at paghahakot can be done by machines pero dito manu-mano. Pero at least may trabaho sina Manong, di ba?
15 comments:
Anonymous
said...
hoho at least matagal ang takbo ng tarbaho at mahabang panahon susuweldo sina manong pero abala nga lang sa inyo ni sweetham.
naalalala ko tuloy nung nandyan ako nung bakasyon, nagcomment yung taxi driver na para raw sinuntok yung mata ko (eyeshadow), pag dito yan nasabihan na sya ng "excuse me that is totally rude and mind you it's none of your biz dude." kaso nakiride ako and called him "manong naman." aba eh nagalit ba naman eh muka naman talaga syang singkuwentahin na...sagot ko "at sa hitsura nyo namang yan siguro naman aaminin nyo na talagang mas gurang kayo sa akon noh manong?" bumubulong-bulong, sabi eh "manong daw..."
Kapal naman ng mukha ng taxi driver na yan! Kung di ka magpipigil, sarap mata-matahin! Buti na lang nalaman nya na gurang na sya no. Nakakainis talaga ang pag-ka-rude ng kapwa pilipino natin dito. Hay nakakabwisit! Pero pag foreigner, di magkandatuto sa hospitality. Nung nagpunta nga kami sa resort dati, eh may buffet. Eh di serve-yourself. Kami pa lang nasa dining area. Nakasimangot pa yung nagbabantay. Pero nung dumating ang mga koreano, nagbagong anyo at sya pa mismo gumawa ng salad para sa mga dumating. Hay naku. Eh iba nga naman mag-tip ang foreigner so iba ang rules. Nung nasa pool, lapitan ba naman kami na bawal mag-shorts sa pool eh samantalang puro naka-bathing suit kami. Dating na naman koreans na naka-shorts. Sabi ko "sige nga pigilan nyo yan mag-swim". Wala tameme. Bwisit talaga! Although may mga rude talaga kahit saang bansa at culture. Nung nasa tate kami, may nakasabay kami sa tour na Amerikano, nalaman na Pilipino kami. Nagyabang at sabi ba naman 'my maid is from the Philippines' to which reply ni Mother 'good for you'. Ang lakas ng loob magyabang samantalang dayo din lang naman sila dun di ba? Inagaw lang nila land ng mga Indians.
Pero sina Manong naghuhukay, very polite and okay. Kasi, ayaw ko pa lipat car, pinayagan naman ako at sa next week na raw nila bubungkalin yung harapan namin. Kaso, nainggit kapitbahay, gusto sila din so nilipat ko na lang sa malayo.
Huling hirit - one thing I am thankful for is that tayo, we don't look our age, he he
hi yoya! kumusta ka na? kelan pa nag-umpisa tarbaho ni Manong-DPWH-na-polite sa inyo? hope all's well with you, God bless! :)
tama ka sa sinabi mo: "Ang lakas ng loob magyabang samantalang dayo din lang naman sila dun di ba? Inagaw lang nila land ng mga Indians." sama talaga racial or class discrimination!
just saw ariel ureta interview pepe pimentel on TV. parang ganito story: when PP was in US daw, may american nagulat nung narinig sya mag-english, asked kung marunong sya. sabi nya, "i know how to speak Spanish, do you? but i just learned English today & i can speak English now!" or something to that effect.. hehe :)
syempre keynis lalo yang discrimination sa atin sa sarili nating bayan! pero tama ka rin sa huling hirit mo: "thankful that tayo, we don't look our age.." hehe, nakisali pa ako 'no?! :)
Hello Anemananay! Tagal na nag-start road work dito, April pa lang kaya lagi akong inuubo. Yung sa mga katabi namin, natapos na nila. Itong sa amin at sa house across ang open pa. Galing ng ginawa nila. Instead of using the cylindrical cement pipes para daanan ng tubig aka canal, yung square na malaki na kaya sigurado akong di na magbabaha dito sa amin.
Sabi pala nung kaibigan namin na galing sa Amerika, while we were talking about discirmination sa US na napansin nya we too discriminate againts our kababayans. Like when yung nagsasalita eh medyo bisaya, they don't get hired to answer calls for customer inquiry or food delivery. At saka pag promdi daw, they are given less employement oppurtunities. Oo nga naman.
Oo nga, isa ka sa mga natatanging 'we don't look our age' beauties I was talking about :)
buti pa dito sa kanata kahit intsik (pardon me badaday por the description eh kelangang tagalugin, yung galing sa Tsina naman) na malalala pa sa bisaya ang accent at konti lang ang ingles natatanggap sa call center. napansin ko lang sa mga natatanggap na ganun sa call center dito eh malakas ang loob nila at hasa ang kanilang logic, kung baga eh edukado sa bansa nila.
napansin ko kasi sa kababayan natin, although maraming tapos sa kolehiyo (kahit mga Pinoy dito) , maraming cases na bukod sa hindi na hasa ang logic (gaya ng mga edukadong intsik o eastern european kaya) eh kulang na kulang ang kanilang abilidad sa pagsalita ng ingles, tapos minsan madadagdagan pa nga ng heavy accent.
tungkol naman sa aspeto ng diskriminasyon. generally, ang mga Pinoy according to a study that I read before, are hard to please. which napansin ko ay totoo, hindi madali sa atin magsabi ng "you're wonderful, you're fabulous, excellent, great work, etc," na common na common sa North America por ehemplo (hanggang ngayon, kahit higit na dekada na ako rito, di pa rin sa akin madaling gawin yan). Hindi rin sa atin madali ang pumalakpak o magstanding ovation after a show, kelangan deserving talaga before we do it. mas mataas yata ang standard for appreciation natin, discriminating if you will. impluwensya kaya ng mga snooty Kastila o dahil sa mahabang panahon ng kolonisasyon ng mga perceived na superior na "puti" sa atin eh natuto tayong tumingin sa kapwa at sarili natin in a mababang way unless makaabot tayo sa standard nila?
ayaw kong pintasan ang kababayan natin pero para sa akon lehitimong obserbasyon. generally ang napansin ko sa mga taong galing sa disiplinadong bansa, disiplinado rin ang utak nila at klarong mag-isip at mag-express ng idea kahit kulang sa ingles at super heavy ang accent. maraming Pinoy, emosyonal at egoistic, kaya clouded ang isip at nababara ang talas sa pag-iisip na nagrereflect sa kanilang reasoning. kitang kita ito sa klase ng politika circus natin.
napansin ko sa mga maunlad na bansa na may multi-cultural touch (i can speak for Kanata), may pagpapakita sila generally ng respeto (at least di sila overt na pintasero in an embarrasing way kahit discriminating sila) ng individual expression mo. ito ay kung hindi ka nakakatapak sa karapatan at pribilehiyo ng iba ( at pag natapakan eh talagang makakatikim ka). which, para sa akin eh isang bagay na nakatulong sa pag-unlad nila. totoo yan para sa bansang Kanata na conserbatibo at mas repinado ang kultura kesa sa mga Merkano. dito, mahaplusan mo lang yung dulo ng daliri o damit (literally) sabi ka agad ng sorry, sorry , sorry. minsan pati tenk yu ko, sorry na rin...:). nunkang magkomento ka ng something personal at talagang makakatikim ka (although i had encountered one racist remark in the past, pero napagkamalan kse akong intsik, nakatikim sya ng "f***k you white monkey**" may kasamang daliri) sabay hingi ako ng tawad sa taas, he he. minsan naman may itim na nagkomento na tumingin raw ako sa salamin bago pumasok sa elevator, eh sira pala siya puro salamin yung walls nung elevator. alam ko pagputi yun di sya basta basta magkokomento ng ganun, kaya borrow ako ng line sa Gone with the Wind "frankly speaking my dear, it's none of your biz, i bet you did the same thing too." tapos sabi nya when the elevator stopped, "it's your floor," in a nakakainsultong way. Sabi ko, "excuse me??? i know it's my floor more than you do." mainit kse ulo ko nung mga panahong yun...:)
dito generally, sa Kanata-bred, walang prying unless mag-open sila first or sasabihin ka nang it's none of your biz. kung baga eh magrespeto ka ng privacy at individual expression, you'll get along well with the mainstream culture. rampant din ang glass walled discrimination ( i think inherent naman talaga sa kahit anong lahi, bukod lang dun sa mga taong bukas ang puso at isip) dito pero nunkang ipahalata mo verbally, respeto man o ano, i think isa sa mga aspeto kung bakit higit na tahimik at mababa ang krimen dito sa Kanata kumpara sa Merka.
ay napahaba na yoyang, naipon na kse sa puso ko ang mga obserbasyong ito over the years, salamat at binigyan mo ako ng plataporma...:). napufrustrate kse ako over the fact na nahuhuli na sa pagsulong ang Pinas kahit alam kong may latent ability ang Pinoy at maikukumpara sa the best, kung irereporma lang ng gobyerno ang klase ng edukasyon (di lang sa eskuwelahan kundi sa ehemplo ng gobyerno, mga mamumuno at sa media) na higit na makapagpapalawak at makapagpapahasa ng isip ng mga mag-aaral at turuan silang rumespeto ng karapatan ng iba (walang outright tapak tapakan at crab mentality), respeto sa basic human rights) at disiplina will be instilled, makakasulong din tayo...*sigh*
Anenuninap, pagkabasa ko ng iyong comment, parang gusto ko tuloy mag-rally. Frustrating nga talaga. Nagawa naman before na maganda ang sistema ng edukasyon. Na ang mga graduates ng public schools kayang-kaya pumantay sa mga galing private. Both my parents were product of the old public school system. Ngayon, kung di ka specially matalino, pag galing ka sa public school, di ka man lang makapasa sa mga entrance test ng mga better colleges. Grabe pa pag-skyrocket ng tuition fees ngayon. Di ako makapaniwala sa sobrang mahal. Eh noon magkano lang ba? 200 pesos tuition, 220 misc fees for a total of 420 pesos.
I don't have any experience of rudeness or discrimination while on your soil di tulad sa Aremika. Pinakabastos sa Hongkong, grabe. Pinaka-polite naman sa Japan. Aside from being somewhat ingrained in the country's culture, depende na din siguro sa panahon. Hongkong pompousness dahil feeling british sila. Tayong mga pilipino naman ay sumusunod lang sa ating american idols kaya pati values nila ay nakukuha na din natin. Impluensya ng napapanood at nababasa.
On a side note, I saw somewhere na New Yorkers became generally nice after 9/11. Tragedy begot humility.
Ang sagot sa problema ng bayan - revolution of faith. Malalim na pananampalataya para sunod lagi sa commandments - Love God and love one another. Para mawawala ang graft and corruption, mapupunta ang pera ng bayan sa magandang edukasyon ng kabataan, magbibigayan ang mga tao, magtutulungan.
Reminds me of kwento ng sister-in-law ko na nag-umpisa ng Couples for Christ in China. Yung project nilang Gawad Kalinga-- the premise: even if you tell the poor again and again to believe in God, to do good, to read the bible, di rin sila makikinig kasi nagugutom sila, wala silang trabaho, walang makain, walang matirhan. So Gawad Kalinga gives them shelter and livelihood. Only kapalit is that they would not sell their given house and that they would help build houses for the next group of people na bibigyan ng Gawad Kalinga. The concept, for me, is revolutionary. No housing project by the government has achieved as much success as these group. Galing talaga. In fact, kinuha na sila for the government housing projects. At least assured na no part of the money or materials will go to the pocket of kungsinoman. Big companies like Shell and Jolibee have donated not one or two houses but whole villages.
Yung friend ko naman sa Bread of Life, they started a school, Meridian, na kakaiba rin-- goal is to raise leaders and role models for the 21st century with strong scholastic and solid spiritual foundation. Galing din kasi part of their aim is to enable students to cherish a strong sense of duty and love for country and experience the reality of life in Christ. Tapos sama sa curriculum learning the Chinese language (Mandarin kaya yan Badayday?)
Wag ka na masyado ma-frustrate kasi the hands of God are moving.
yoyang, kaygandang mga punto yang inihayag mo. agree rin ako dyan sa public school nung araw. ehem, eh ako kse, ehem eh produkto ng public school from day one to bachillier, eh tingnan mo naman ang aking abilidad -> ULYANIN (tanong mo badaday)...mwehehehehe.
actually at kung tutuusin eh higit na maganda pa nga ang edukasyon sa Pinas nung immediately after the Spanish-American war, nung naggovern ang mga Merkano. kahit grade seven lang graduate mga tao nun super edukado na, pede ng teacher at nagiging teacher talaga. tatay ko nag-aaral ng nakayapak lang nung araw pero makipagdiskusyon ka ng kahit anong topic may masasabi sya, lalo na sa science, world history at literature. mga bagay na natutunan nya nung elementary pa lang siya. sad to say, hindi na ganyan ang kalimitang produkto ng ating mga paaralan ngayon, pribado man o pampubliko. marami kasing distraction ang kabataan ngayong nakapagpapafrozen ng takbo ng kaalaman ng kanilang utak gaya ng telebisyon at computer games. ang mga kabataan noon ay uhaw na uhaw sa kaalaman so nareretain nila ang mga impormasyon. also, mayaman sa supply ng magagandang libro nung araw, sa tingin ko lang.
nakaaaliw pakinggan yang mga proyektong nabanggit mo na nagaganap sa Pinas at lalo na at nagagamit sa propagasyon ng Magandang Balita tungkol sa ating Panginoon. yun lang naman talaga ang totoong kasagutan sa sakit ng lipunan - "if my people shall humble themselves and pray..."
coincidentally, may nakuha akong literatura tungkol sa Gawad Kalinga projects na sinusuportahan ng Toronto chapter sa library nung Sabado. dinala ko sa bahay yung brochure to decide if i wanted involvement. baka confirmation yang pagbanggit mo...:)
Excellente yang Meridian project ng kebigan mo at ang pagtuturo ng Mandarin. Leadership and God, wish ko tuloy bata pa ako at pumasok ako sa ganyang klaseng programa. Maraming marereach out na mga Intsik pagdating ng araw sa pagtuturo nila ng Mandarin. Incidentally, Tsina ay isa sa mga fastest growing Christian countries sa mundo, underground nga lang. Kahit dito sa Toronto, naaaliw ako sa mga kilala ko na Instik na left and right nagiging Kristiyano kahit before eh totally nila kilala si God.
Kapag ang kamay nga ni Lord ang kumilos wala na ako masay, bow na lang ako. So I thank Him na dinidinig Niya ang panalangin nating mga Kristiyanong Pinoy para sa ating bayan...:)
Anenuninap, naks! Alam mo ba na nagkaroon ng study to see effectivity ng mga public schools by testing the students. Di naging okay ang results so ang solution was to bring the teachers back to school. I just saw it on TV, nag-aaral ulit mga teachers kasi nga naman, kung mahina ang teachers, ano naman matuturo nila sa mga students. This was a good move from DepEd.
Yan din nga kwento ng lola ko, about being schooled by the Americans. Daddy ko naman had to walk to school everyday din. To augment the family's income, he shined shoes saka tinda ng balut. Galing mga magulang natin no. They studied and worked hard kaya tayo namang mga anak, we did not have to face the same hardships. Agree ako, dami na kasing ek ngayon kaya distracted mga bata. Ako nga mismo, feeling ko distracted ako eh (kasi bata pa ko eh, he he), focusing on the mundane at times. Daming kaagaw ng Diyos sa atensyon natin.
Sana nga you'll decide to support Gawag Kalinga. So glad to hear na nakaabot na sa Canada ang project na to :) Yung concert ni Jose Marie Chan na nakwento ko months back eh for the benefit of the Meridian School. Galing ng mga nakakaisip ng mga ganitong mga projects no, inspired by God talaga.
Agree na naman ako sa mga sinabi nyong dalawa! Galing nga ng Meridian, thanks for telling us about it, Aneyoya! Yung Gawad Kalinga naman, I have heard good things about it mga 1 year na, sana nga you'll get involved with their Toronto chapter, Anenyuninaf :) Both of those projects are God-inspired!
Inspiring nga kwento ng mga parents nyo! May mga kwento rin sa amin ang mga elders ko (pati Lola, Aunts).. In school, the medium of instruction for Chinese classes is Mandarin. pero ang everyday Chinese language namin is Fukien.
Anemananay, di ba nakakalito yon, sabay Fukien and Mandarin? Do you ever use it? Parang di pa kita narinig ever ever na mag-chinese. May mga naging barkada akong Chinese eh pag kapwa ang kaharap, automatic nag-chi-chinese so sila lang nagkakaintindihan. Sinasabi ko, pwede mag-english na lang kami lahat para pare-pareho kaming hirap, he he
Ano mga kwento ni Lola? Tanong ko lang, naging childhood sweety ba ni Mother si Jose Marie Chan?
Ane-Yoya, Chinese characters are always the same, but you read them in Mandarin, Fukien or some other Chinese language (like Cantonese). Medium of instruction for Chinese classes is Mandarin (official language nila ito worldwide). And ancestors of Tsinoys mostly come from the place Fujian in China, so their everyday Chinese language is usually Fukien.
Nung nasa school pa ako, kelangan talaga. Now, I use it occasionally, if I'm w/the Chinese, esp yung Chinese lang ang alam, usually Fukien. But I need more practice, coz most of the Chinese here know English or Tagalog anyway. Pero napa-practice ako sa pamangkin ko kasi marunong sila. Few years ago, I had a chance to teach English to Chinese from China & Taiwan after I finished TESOL. At na-practice ako sa kanila kasi walang choice but Mandarin, enjoy! :)
Ang mga may kwento: my Dad, Mom, Lola, Aunts, etc., like about WW2, buhay-buhay nila noon, atbp. Di nya pwede maging childhood ek-ek si JMC kasi mas bata yun sa kanya konti, like maybe pre-teens na sila, kids pa yun. Baka nga kamag-anak pa nila yun e..

wehehehehehe..ang pikon talo...:)
p.s.
o baka naman muka na akong singkuwentahin? wihihihi....

Yoya & Pluma.. AMEN, sisters in Christ! May God bless our country & us all! :)
P.S. Yoya, Mandarin nga yun!
Anenuninap, naks! Alam mo ba na nagkaroon ng study to see effectivity ng mga public schools by testing the students. Di naging okay ang results so ang solution was to bring the teachers back to school. I just saw it on TV, nag-aaral ulit mga teachers kasi nga naman, kung mahina ang teachers, ano naman matuturo nila sa mga students. This was a good move from DepEd.
Yan din nga kwento ng lola ko, about being schooled by the Americans. Daddy ko naman had to walk to school everyday din. To augment the family's income, he shined shoes saka tinda ng balut. Galing mga magulang natin no. They studied and worked hard kaya tayo namang mga anak, we did not have to face the same hardships. Agree ako, dami na kasing ek ngayon kaya distracted mga bata. Ako nga mismo, feeling ko distracted ako eh (kasi bata pa ko eh, he he), focusing on the mundane at times. Daming kaagaw ng Diyos sa atensyon natin.
Sana nga you'll decide to support Gawag Kalinga. So glad to hear na nakaabot na sa Canada ang project na to :) Yung concert ni Jose Marie Chan na nakwento ko months back eh for the benefit of the Meridian School. Galing ng mga nakakaisip ng mga ganitong mga projects no, inspired by God talaga.
Anemananay, sabi ko na nga ba eh :) Kaw ba, mandarin ang alam mong wika?

Post a Comment