Saturday, June 16

Milestones 2.0

March - Tuloy ang Kasal

Dahil sa dumating ang Mamu nung March, kailangan na isiksik sa konting panahon ang mga dapat mangyari tulad na lamang na kasal ni Sister. Ilan beses ng nag-expire ang kanyang marriage license dahil inaantay nga ang pagdating ni Mommy last year pa. It was a simple civil ceremony at kami-kami lang talaga ng nandun, kapuso at kapamilya lamang. Ang ninong nga nila eh si Switham eh :) Notice na kami nina Josie, Mommy, and Switham eh nakaputi... wala lang... para feeling wedding talaga :)


April - Garage Sale

Ipina-rent na ang bahay namin sa Monte Vista so we had to dispose of most the things na nandun. Di na kasi kasya sa mga bahay-bahay namin ni Josie. Nagmistulang bodega na nga ang itsura ng apartment namin ni Switham, may washing machine sa dining area, at may aircon unit sa sahig sa sala. Kay Josie din ganun. There are some things na di namin talaga ipagbibili like the piano, dining set, etc. Pero maraming mga anik-anik (small items) that we decided to sell sa murang halaga lamang. Plates and glasswares at 10 pesos each. Silverware for 5 pesos lamang. Nakakalungkot to let go of some of the things pero naisip ko, itatago ko rin lang naman sa bahay namin so might as well sell it cheap to someone who'll use it. It was also sad to see strangers living at the house. Di bale, 1 to 2 years lang sila dun tapos kami na titira ulit sa house.

May - My Pamangkin

Dumating ang aking pamangkin na si Niles. He is the son of my sister Jobelle and her husband Neil. Ibig sabihin daw ng name sa 'Niles' is 'son of Neil'. Tamang-tama, di ba? Umuwi si Neil and Niles from New Jersey to attend the wedding of Neil’s ate. My nephew is an only child kaya nung nakauwi dito ginagabi kakatambay at kakalaro sa kalye sa dami ng kalaro. Sobrang cute, grabe :)

Mahilig sya sa toy train kaya nung dalhin sya sa amin ni Neil, isinakay ko sa LRT (dulo to dulo), ayun, mabaliw-baliw sa tuwa!

6 comments:

cacofonix said...

oist, yan ang pangarap ko, yan ang pangarap ko simpleng kasal lang!!! kung may magpapakasal haha...congrats to josie and hubby!!! mukang saya-saya nyo!

siguro, iba't ibang emotion ang naramdaman mo sa mga milestones in your life lately noh? happiness, joy, sadness of letting go (must be hard for the stuff from the house), aliw for super cutsieeeeeeeeeeeeee Niles, sarap lamutakin yung pisngi haha.....

naging parte rin ng magagandang ala-ala namin ang bahay nyo sa monte vista so parang in a way, may possessive feeling rin kme towards it he he....buti naman at titirahan nyo ulit...:).

anyway, yoyaks excited na magkakuwentuhan ulit tayo in more detail....!

Anonymous said...

ay, congratulations kay sisjosie, kinasal pala sya!

ateyoyang, di ba di tayo papayag na magtanan na lang si ate indangcacof??!!!! basta dapat garden wedding at mag gazebo pa sa tagaytay sa may paanan ng vulcan. tapos magpapalechon tayo ng baka kambing pato itik bubule at lahat ng malelechon para sagana sa protina.

tapos mala mid summer night's dream ulit ang tema. lahat tayo nakasuot ng gown na parang pinagtagpitagping dahon at koronang bulaklak ng kalachuchi at ilang-ilang at bonggabilya.

at this time 3 toneladang bukopandan ang ang idodonate ko para siguradong di tayo mauubusan. plus buko pie at ginataangbilobilo na punungpuno ng langka.
tapos papagawa tayo ng bahay kubo dun mismo sa may edge ng bulkan at doon ang honeymoon nila ni sweetbacon (di ba sweetham yung sayo? sa kanya sweetbacon naman)

tapos aarkila tayo ng 3 jeep at lahat ng bisita hahakutin sa beach at meron ulit ceremony doon para beach wedding naman after vulcan wedding, o say mo?

Anonymous said...

Tama ka Atinapa, di tayo payag sa tanan-tanan na yan!

Atulipya, oo I foresee and very simple wedding for you, the wedding ceremony ending just before the sun sets with your pictures taken overlooking the beautiful Taal lake. In the garden, nakapila kami ni Titdaday para magpa-potrait sa isang free hand artist. Si Atinapa, kasama ng mga bata nakapila para sa face painting. Gusto kasi nya magpalagay sa pisngi ng paru-parong may glitters.

Merong isang waiter going around with a tray full of buko pandan dessert. Yan lang ang nakatoka sa kanyang trabaho for the night, supplying everyone with buko pandan.

Sa beach, bawal mag two-piece. Kaso baka di natin mapipigilan si Titdaday. Alam mo naman yon medyo pagka-wild :)

O, uwi na at marami akong kwento :)

ss said...

uy, best wishes & congrats kay sis J & hubby nya! alala ko pa debut nya, saya natin! gano katagal expire yang license, alam ko lang kasi expiration ng driver's license, hehe.. buti naman titira kayo ulit doon, we cherish our beautiful memories there, remember? pati group paper natin (about math) sa english na tayo lang nag-group paper, hehe.. at anong kinalat mong wild ako, di totoo yan no, it's umpair! cute-cute ni Niles, bagay sa kanya name nya! tuwa din Oie (my nephew) usap sa yo sa phone! oo nga pala, himala umubra now computer ko kaya NAKA-POST NA RIN AKO on my BLOG-AG sa wakas! sana nga bakasyon sila dito 'no?!

Anonymous said...

Hello Tebadaday :) 90 days expire na license. Imagine naka 3 beses na na-expiran si Josie kakaantay kay Mamu. Buti na lang natuloy din :)

Oo no, wild ka at may ebidensya ako. Nahuli kang nagsasayaw ng mahalay sa Boracay, kasama mo ang mahahalay mong mga friends, he he

Hi to Oie, he's a very good conversationalist :) Aliw kausap. Sya na nga lang ang tatawagan ko sa inyo he he

ss said...

Hi Ate Yoyang! ah, 90 days lang pala license. Di nga ako wild 'no! Sino kaya wild prends ko 'no?! hehe :) Oie said, hi too & thanks, tuwa din sya sa usapan nyo! :) Sige, tawagan mo sya ha?! Btw, sa wakas, nasagot ko rin comments nyo sa blog-ag ko! At salamat sa mga pagbati nyo sa boithday ko, God bless! See you soon! :)