Saturday, June 16

Milestones 2.0

March - Tuloy ang Kasal

Dahil sa dumating ang Mamu nung March, kailangan na isiksik sa konting panahon ang mga dapat mangyari tulad na lamang na kasal ni Sister. Ilan beses ng nag-expire ang kanyang marriage license dahil inaantay nga ang pagdating ni Mommy last year pa. It was a simple civil ceremony at kami-kami lang talaga ng nandun, kapuso at kapamilya lamang. Ang ninong nga nila eh si Switham eh :) Notice na kami nina Josie, Mommy, and Switham eh nakaputi... wala lang... para feeling wedding talaga :)


April - Garage Sale

Ipina-rent na ang bahay namin sa Monte Vista so we had to dispose of most the things na nandun. Di na kasi kasya sa mga bahay-bahay namin ni Josie. Nagmistulang bodega na nga ang itsura ng apartment namin ni Switham, may washing machine sa dining area, at may aircon unit sa sahig sa sala. Kay Josie din ganun. There are some things na di namin talaga ipagbibili like the piano, dining set, etc. Pero maraming mga anik-anik (small items) that we decided to sell sa murang halaga lamang. Plates and glasswares at 10 pesos each. Silverware for 5 pesos lamang. Nakakalungkot to let go of some of the things pero naisip ko, itatago ko rin lang naman sa bahay namin so might as well sell it cheap to someone who'll use it. It was also sad to see strangers living at the house. Di bale, 1 to 2 years lang sila dun tapos kami na titira ulit sa house.

May - My Pamangkin

Dumating ang aking pamangkin na si Niles. He is the son of my sister Jobelle and her husband Neil. Ibig sabihin daw ng name sa 'Niles' is 'son of Neil'. Tamang-tama, di ba? Umuwi si Neil and Niles from New Jersey to attend the wedding of Neil’s ate. My nephew is an only child kaya nung nakauwi dito ginagabi kakatambay at kakalaro sa kalye sa dami ng kalaro. Sobrang cute, grabe :)

Mahilig sya sa toy train kaya nung dalhin sya sa amin ni Neil, isinakay ko sa LRT (dulo to dulo), ayun, mabaliw-baliw sa tuwa!