

May we live and not merely exist...
Dahil sa dumating ang Mamu nung March, kailangan na isiksik sa konting panahon ang mga dapat mangyari tulad na lamang na kasal ni Sister. Ilan beses ng nag-expire ang kanyang marriage license dahil inaantay nga ang pagdating ni Mommy last year pa. It was a simple civil ceremony at kami-kami lang talaga ng nandun, kapuso at kapamilya lamang. Ang ninong nga nila eh si Switham eh :) Notice na kami nina Josie, Mommy, and Switham eh nakaputi... wala lang... para feeling wedding talaga :)
Dumating ang aking pamangkin na si Niles. He is the son of my sister Jobelle and her husband Neil. Ibig sabihin daw ng name sa 'Niles' is 'son of Neil'. Tamang-tama, di ba? Umuwi si Neil and Niles from New Jersey to attend the wedding of Neil’s ate. My nephew is an only child kaya nung nakauwi dito ginagabi kakatambay at kakalaro sa kalye sa dami ng kalaro. Sobrang cute, grabe :)
Mahilig sya sa toy train kaya nung dalhin sya sa amin ni Neil, isinakay ko sa LRT (dulo to dulo), ayun, mabaliw-baliw sa tuwa!
This letter made the rounds last year via text messaging…
A tula made by Nanay on the occasion of Mommy’s grand 55th birthday celebration in 1994.
Ako'y hindi makata
at hindi marunong tumula
Sa araw na ito
araw na dakila
Ako'y nagsaisip
ako'y nagsadiwa
At pinalad namang makalikha
ng isang maikling tula
Buong puso ko itong iniaalay
sa iyong kaarawan, aking anak
Sa iyong kaarawan
ako'y nagpupugay
Pumpon ng bulaklak
sa iyo'y iaalay
At aking dalangin
sa Poong Maykapal
Pakalooban ka pa
ng maligaya, mahabang buhay
Ang bulaklak na ito
aking pinitas
Tinuhog upang sa leeg mo'y
aking ikwintas
Hindi maluluoy, hindi malalanta
di matutuyo
Pagkat yan ay galing
sa hardin ng aking puso
Ako'y walang ginto, pilak
sa iyo'y iaalay
Kundi ang walang katapusang
pagmamahal
Mundo man ay maglaho,
mundo man ay magunaw
Kailaman ay taglay ko
ay ganyang pagmamahal
Anak, hilingin mo man sa akin
ang bundok ng sinukuan
Sapilitan aking kukunin upang
sa yapak mo ay aking ialay