
Taken during our convention last September 6-8. Although tatlong araw lang ito eh July pa kami nagpe-prepare. Kami kasi ang gumawa ng software that would process and register more than a thousand attendees of the convention. Medyo hi-tech kasi each computer ay may nakakabit na webcam and it takes the picture of each delegate and prints the pic on their IDs. Ginawa rin namin election software nila. Pang-touchscreen sana where they can just make pindot-pindot on the monitor kung sino boboto nila kaso di na kinaya ng budget nila to provide us with the special monitors. Sayang!
Dahil kaibigan ko yung isa sa mga officers ng association eh I volunteered to man the registration and election booths for the whole duration of the convention. Naalala ko tuloy nung nasa UP pa ko, registration volunteer din ako dun, RVC pa nga tawag sa amin eh.
Pero stressful sya sobra. I had to wake up early and sleep late just to make sure okay ang lahat. There were technical glitches kaming na-experience which up to now boggles my mind. Naisip ko these were caused by the hardware supplier not following the specs na binigay namin. Pero there’s no way to know for sure, kakainis! And now, I’m sick. So heto ako ngayon sa office nagkakalat ng germs, he he

12 comments:
Hello, Ate-Yoyang! Kumusta ka na ngayon? Hope & pray you're feeling better.. Get well soon! Ang galeng-galeng naman ng software na ginawa nyo ha. At di halata ang pagod & puyat sa photo mo! Kaya pahinga ka na muna habang nagpapagaling, ok? God bless! :)
yoyang, yaman mo na, dami mong proyekto. ihire mo naman akong programmer, magamit naman ang aking Diploma na walang pinatungahang experiyensya.
bait mo naman, nagavolunteer ka pa, pero sabagay customer service din yan on top of friendly pakikisama.
hinay hinay ka lang at wak masyadong workaholic, meri challenging hang hiyong field mero i'm pretty sure happy ka't yan ang love mo.
RVC, NERD, NERD,NERD! Ako humihilik na sa dorm room natin at pagod nakikipag-away at nakikipagsipaan ng sapatos dun sa ka-room mate nating sino na nga ba yun? si Magdalena? HIKAW, HIKAW, SUNOG NG SUNOG NG KILAW, pero bakit ganun makapal pa rin ang kilay mo ala Gretch B. at ang akin eh well, uso naman yung Madonna style, kalbong kilay. Pero bakit ganun? hmmmmm....parusa sa akong katamaran mag-aral?
Atebads, ty, me sakit pa din ako hu hu hu. I just started today with antibiotics kasi di na kaya ng iba means. I miss eating sweets na nga eh. Bawal pa kasi sa kin. The pic was taken last day of the convention kaya look of relief na makikita mo :)
Atuplipya, naku di na nga ako yumaman dahil volunteer nga lang ako eh as in walang bayad. Pero ok lang :)
Nag-aral ka ba ng programming? Bat di ko alam? Anong language? Ok nga sya, fulfilling sobra :)
Si Iggy yung roommate natin at saka si Maryann yata. He he remember the chicharon bulaklak incident. Oo sipag ko nga mag-aral noon. Pati kapatid kong bunso, binabanggit sa aking yung pagsusunog ng kilay days ko in college. It's all worth it :)
Nagbubunot ka siguro ng kilay kaya konti na lang natira he he. Sabi ng lola ko magtatampo daw kilay pag binubunot and someday when you get older, di na sya tutubo ulit. Kaya, don't make bunot-bunot there, bunot-bunot elsewhere na lang like in the kili-kili, he he
o sige i-hire nyo na lang akong taga bunot ng mga bubunutin at gusto ninyong ipabunot.
oi naalala ko non na nagdodorm kayo sa sampaguita at ini-isnik ninyo ako sa kwarto nyo pag nakatalikod yung gwardya tapos kung anu-anong kabaliwan ang pinaggagagawa natin sa room nyo hahaha....si bingle nagpa-piano pa at kumakanta ng 'mahiwaga ang buhay ng tao' ang baduy hihihi....
star of the galaxy, hopo kumuha ako ng 2 year Diploma in Programming - c, C++, java, etc. sabi titser ko na sabi kebigan ko me crush daw sa akon (baka na beebleep bleep he he) at hanggang ngayon after 5 years eh hinahunting ako para makipagkape sa akon por some reason di ako mahunting salamat naman hahahahay eh lagi raw akong nakatingin sa malayo sa may bintana at pilit kinakausap ang mga ulap sa langit habang sya ay naglelecture pero nakuha ko pa rin ang Diploma dahil malakas ako titser he he...pero bagsak ang IT after 2000 kaya take na lang ako whatever at napasok sa current job ko in public teaching regulation.
ngusto ko aral website design sa ngayon at i loved java pero mahabang kalbaryo pa ang aakyatin para pumede pede ako rito.
hoho nga ahit ko kilay ko pati na rin kilikili at kung ano pang maaahit, actually mainit na wax at tinotorture ko sarili sa paghaplit nung wax cloth na nadikitan ng nahaplot na mga buhok buhok kung saan saan....kasakit na kasarap...ay, sadistic vah ang feel...ehehehehek.
ang pangarap kong budburan ng mainit init na wax ay si kuring at naku po what a reward makita ko ang lahat ng kanyang malalago't maiitim na kabuhok-buhokan na nakadikit sa wax cloth after yankin' it super quick sa kanyang lambskin ....wekehehehehehehehek...
ngoi krung, hikaw ang tumutugtog ng "mahiwaga ang buhay ng tao" sa iyong mahiwang bamboo flute sa ilalim ng puno ng aratelis sa may tambayan ng UP Soc Society na katabi ang alaga mong kobrang nakalagay sa basket na sumasayawsayaw ng makarena habang tinatapunan ka ng beinte beinte singko ng mga nakagothic attire na mga elitista sa AS noh?
ang aking madalas tugtugin ay "somewhere in time" at lahat ng puno sa north and south of france circa 18th century ay pinagtagpuan namin ni Christopher Reeve while i'm waiting for him under my parasol one bright morning day habang pumapaimbabaw sa aking guni-guni ang melancholic na tugtuging ito....baduy ha, hmp.
Oo nga, mga krung-krung, bakit baduy eh gustong-gusto ko nga ang song na yon eh. Hmmpph! Eto lyrics!
Mahiwaga ang buhay ng tao
Ang bukas ay di natin piho
At manalig lagi sana tayo
Sa Diyos, syang pag-asa ng mundo
Pag-ibig sa ting kapwa tao
Laging magmahalan tayo
Yan ang lunas at ligaya at
Pag-asa ng bawat kaluluwa
Yan ang hiwaga ng buhay ng taooooooooooo :)
Oo nga, Atinapa, kayo nga nina Atebads at Mimiyak nakakaakyat sa dorm. Alam ko nga yung radyo ba yon o fruit cocktail eh nawala sa cabinet yun pala tinangay nyo na patungong lagoon, he he Ang saya-saya natin nun, naglalasing sa lagoon. Mga tomador!
Malakas kami ni Bingle sa lady guard sa dorm. Kahit nga beyond curfew eh nakalusot kami makabalik. Kaya naman kami ginagabi eh kakatelebabad sa FC, hehe
Atupliya, magkape ka na kasi with teacher! Apparently, di mo type kaya di ka pumapayag. Ano ba hitsura? Teka alam mo ba na ang kape ay nakakalaki ng dibdib? Scientifically proven to no. he he
Uy, hirap ng Java ha. Kumuha ako pero Java scripting lang. Yung visual basic na gamit namin, similar ata to C++. I took night classes before sa web programming. Tingin mo design kong website ni Mother. I-google mo lang name nya.
Teka, sino yung nga sinasabing mong naka-gothic attire sa AS noon?
pinagbigyan ko na ng isang kape si titser nung sang taon, dehins talaga type pre...ehehehe. saka dinner kami noon ksama friend ko at titser, tapos middle of dinner walk out si friend dahil mukang animated yung usapan namin ni titser, eh sa napasarap kwentuhan eh. di ko naman type talaga si titser...yaan mo na yun!
peybrit ko rin ang visual basic, saka java, pero siguro kse di malalim ang pagkakaunawa ko kaya na-appreciate ko he he....
nagoogle ko na yung site ng Momsie mo, gleng ha....para akong nasa dream land...:). sana katulad din nya ako, pursugido sa calling nya...sigh...:). mana ang mga anak ha?
naku yoyang, maket mo ko tanong ng mga names eh kung yun ngang mga subjects o building na nilakaran natin sa iskul di ko maalala, pangalan pa kaya nung mga nakagothic? *kamot sa ulo* sabi ko na nga ba yoko ng anaesthesia eh, ala tal'ga akong maalala, pati utan ko sa yo, nde ko maalala...
those were the days sa UP dorm noh? hay, college days oh my college days, kay exciting kay saya....
Hi Ate-Yoyang. How are you? Hope & pray di ka na pagod & puyat, at magaling ka na! Aliw naman ako sa reminiscing nyo of our college days, kay exciting kay saya.. :) Naalala ko tuloy kung pano halos araw-araw pumupuslit ako papasok sa dorm nyo ni Ate-Tulipya. Lahat ng paraan ginawa na, like lulusot na lang basta, or kamag-anak daw ako ni Tulipya, etc. hehe.. Btw, in case di mo pa alam, finally naka-post na ko ng new blog entry, busy kasi.. God bless! :)
Hi Ate-Yoyang. Kumusta ka na? Hope you're fine. At kumusta naman ang mga family reunion nyo? I'm sure masaya... Salamat sa dalaw mo ha. Sinagot ko na question mo sa blog ko. See ya... Take care, God bless! :)
Post a Comment