Saturday, August 12

High School Life ay exciting, kay saya!

 Met with my high school barkada and classmates last Friday night. Sa Teriyaki Boy Eastwood (suggested it, hehe, favorite ko kasi) kami lahat nag-dinner. Before the reunion, after my meeting with a client, uwi muna ako to take a bath and choose outfit. Siempre, tagal ko na di nakita my classmates kaya extra effort sa pag-aayos. Met up first with my barkada Techie and Jessica sa Monte Vista bago sabay na kami in one van to go to Eastwood. Puro daldalan, ha ha. After dinner, hanap kami ng venue for our picture taking (as if di pa enough yung sankaterbang pictures while eating dinner) and found a stairway. Tamang-tama, paakyat si Jericho Rosales (sh?t ang gwapo! Anyways, he’s a local artista who did a remake of ‘Ang Panday” for TV) and nahila namin sya to join our picture-taking. Ang aking mga sosyal na classmates, naging baduy, ha ha After dinner, coffee sa Seattle’s Best (pero ako chocolate drink) then inuman at Dencio’s (pero ako soda lang… kj eh). Hay, nice to meet up with old friends and reminisce and update and swap kwentos!
 I was able to snag a copy of my high school annual picture. He he, mukhang tokneneng ang itsura. According to my annual, I was an “efficient prompter of seatmate”. Bukod sa nagdidikta ako sa mga kaklase ko during recitation, nagpapakopya pa ko. Eh one time, yung nangopya sa kin, essay yon, sakto ang pagkakakopya. Eto pa, hindi sinoli sa kin ang papel ko kundi sya na ang nagpass. Eh di magkasunod ang papel namin, ayun, nahuli ng teacher. Pinatawag kaming dalawa at tinanong kung sino sa amin ang nangopya. Di ko nga sinagot, nakakainsulto ang tanong eh. Ayun, bagsak ako sa World History, nyok! Posted by Picasa