




From the Land of the Rising Sun, the Kimono Beauties!!! clap clap clap
May we live and not merely exist...
March - Tuloy ang Kasal Dahil sa dumating ang Mamu nung March, kailangan na isiksik sa konting panahon ang mga dapat mangyari tulad na lamang na kasal ni Sister. Ilan beses ng nag-expire ang kanyang marriage license dahil inaantay nga ang pagdating ni Mommy last year pa. It was a simple civil ceremony at kami-kami lang talaga ng nandun, kapuso at kapamilya lamang. Ang ninong nga nila eh si Switham eh :) Notice na kami nina Josie, Mommy, and Switham eh nakaputi... wala lang... para feeling wedding talaga :)
April - Garage Sale
May - My Pamangkin Dumating ang aking pamangkin na si Niles. He is the son of my sister Jobelle and her husband Neil. Ibig sabihin daw ng name sa 'Niles' is 'son of Neil'. Tamang-tama, di ba? Umuwi si Neil and Niles from New Jersey to attend the wedding of Neil’s ate. My nephew is an only child kaya nung nakauwi dito ginagabi kakatambay at kakalaro sa kalye sa dami ng kalaro. Sobrang cute, grabe :)
Mahilig sya sa toy train kaya nung dalhin sya sa amin ni Neil, isinakay ko sa LRT (dulo to dulo), ayun, mabaliw-baliw sa tuwa!


This letter made the rounds last year via text messaging…

A tula made by Nanay on the occasion of Mommy’s grand 55th birthday celebration in 1994.
Ako'y hindi makata
at hindi marunong tumula
Sa araw na ito
araw na dakila
Ako'y nagsaisip
ako'y nagsadiwa
At pinalad namang makalikha
ng isang maikling tula
Buong puso ko itong iniaalay
sa iyong kaarawan, aking anak
Sa iyong kaarawan
ako'y nagpupugay
Pumpon ng bulaklak
sa iyo'y iaalay
At aking dalangin
sa Poong Maykapal
Pakalooban ka pa
ng maligaya, mahabang buhay
Ang bulaklak na ito
aking pinitas
Tinuhog upang sa leeg mo'y
aking ikwintas
Hindi maluluoy, hindi malalanta
di matutuyo
Pagkat yan ay galing
sa hardin ng aking puso
Ako'y walang ginto, pilak
sa iyo'y iaalay
Kundi ang walang katapusang
pagmamahal
Mundo man ay maglaho,
mundo man ay magunaw
Kailaman ay taglay ko
ay ganyang pagmamahal
Anak, hilingin mo man sa akin
ang bundok ng sinukuan
Sapilitan aking kukunin upang
sa yapak mo ay aking ialay
Last rites
Lauriat at San Jacinto Panciteria
Naghuhulagpos na bilbil
Even nuns have fun... a day at Villa Escudero

December 1978
Met with my high school barkada and classmates last Friday night. Sa Teriyaki Boy Eastwood (suggested it, hehe, favorite ko kasi) kami lahat nag-dinner. Before the reunion, after my meeting with a client, uwi muna ako to take a bath and choose outfit. Siempre, tagal ko na di nakita my classmates kaya extra effort sa pag-aayos. Met up first with my barkada Techie and Jessica sa Monte Vista bago sabay na kami in one van to go to Eastwood. Puro daldalan, ha ha. After dinner, hanap kami ng venue for our picture taking (as if di pa enough yung sankaterbang pictures while eating dinner) and found a stairway. Tamang-tama, paakyat si Jericho Rosales (sh?t ang gwapo! Anyways, he’s a local artista who did a remake of ‘Ang Panday” for TV) and nahila namin sya to join our picture-taking. Ang aking mga sosyal na classmates, naging baduy, ha ha After dinner, coffee sa Seattle’s Best (pero ako chocolate drink) then inuman at Dencio’s (pero ako soda lang… kj eh). Hay, nice to meet up with old friends and reminisce and update and swap kwentos!
I was able to snag a copy of my high school annual picture. He he, mukhang tokneneng ang itsura. According to my annual, I was an “efficient prompter of seatmate”. Bukod sa nagdidikta ako sa mga kaklase ko during recitation, nagpapakopya pa ko. Eh one time, yung nangopya sa kin, essay yon, sakto ang pagkakakopya. Eto pa, hindi sinoli sa kin ang papel ko kundi sya na ang nagpass. Eh di magkasunod ang papel namin, ayun, nahuli ng teacher. Pinatawag kaming dalawa at tinanong kung sino sa amin ang nangopya. Di ko nga sinagot, nakakainsulto ang tanong eh. Ayun, bagsak ako sa World History, nyok!
With Switham, niece, and cousin
Walang sawang paggi-games pa din hanggang gabi :)
Catered ang food
Huling-huli habang nagte-take home ng spaghetti, he he