Tuesday, January 20

Spending time with Achie and Josh

Photo-op with top chefs of Hotel Intercon

With Josh

Jeepney breakfast buffet


Dumating na dito sa Pilipinas sina Achie (sis-in-law) and Josh (pamangkin) from New Jersey for a short vacation, kasama ko sila from Tuesday until Friday. A much needed break for me and nakasama ko pa sila.

Dumugo ang ilong ko kaka-english kay Josh at kakaintindi ng kapampangan sa mga relatives ni Achie.

Anyways ito naging itinerary namin

Jan 6 Tuesday

* Meet up with Achie and Josh at Hyatt Hotel
* Mall of Asia
* Ikot-ikot
* Meetup with Allan and family
* Skating mga bata (Josh & Vian)
* Dinner at La Mesa Grill, kain pritchon (deep fried lechon), nahilo ako kakakain ng balat

Jan 7 Wednesday

* Breakfast kami sa room, kinain namin yung mga binili ko Aristocrat kahapon
* Checkout
* Punta Greenhills for Josh to see La Salle, my Kuya's alma mater
* Kain sa Gerry’s Grill
* Meet ni Achie school friends nya, kami ni Josh ikot na sa greenhills mall
* Foot massage kami ni Josh
* Iniwan namin Achie sa Greenhills, tapos kami ni Josh uwi and checkin sa Intercon
* French toast and pancake dinner at Heaven and Eggs
* Massage sa room (outside service kasi pag yung sa hotel masseur kinuha namin, 3 thousand ba naman, kanila na lang!)


Jan 8 Thurday

* Breakfast buffet sa Jeepney resto sa Intercon
* Pasyal konti as Glorietta, hanap namin Spoof t-shirts
* Checkout
* Marikina Memorial Park, dalaw kay Daddy
* Monte Vista, dalaw sa aming ancestral home :)
* SM Marikina para magpapalit ng dollars
* Then off to Pampanga. Dapat uwi na ko pero napilit ako nina Josh to stay kasi birthday ng 9-year old pinsan nya, daughter ni Ariel and Rossana, plus may mission pa bukas
* Dinner at Capampangan Restaurant with Charlie, Alvin and family
* Sleep at Tita Esting’s bahay


Jan 9 Friday

* Breakfast sa bahay pa rin nila
* Mission sa bundok ng Magalang, Pampanga— feeding of poor schoolchildren. Nag-collect kasi si Josh ng pera nung nasa NJ pa sya para makapag-mission sya sa Pilipinas. May dala kami lugaw, zesto, candies, at saka water bottles para sa mga kids. (checkout photos at http://joyacsy.multiply.com/photos)
* Bumalik na ako sa Manila na may uwing tapang kalabaw from Tita Esting and Achie, yes!

Jan 10 Saturday

* Back to reality! and my first day of school at the Fashion Institute of the Philippines :)