Thursday, April 26
Isang Araw sa Hacienda
Dumating si Mamu nung Marso at isa sa aming destinasyon ay ang aming Mango Orchard sa Bagac, Bataan. Hactually, di amin ang Orchard, may limang puno lang kami dun, hehe. Pag lumaki na ang puno at namunga, we share the profit with the mga tagapag-alaga. Ang layo nga lang talaga, feeling ko more than six hours back and forth. Masayang alalahanin pero nakakalungkot din kasi bumalik na si Mamu sa Amerika kahapon. Naiyak nga kami ni Sister sa airport kasi more than 2 years na naming di nakita ang aming mader tapos sandali lang vacation nya. Sa states, Mamu works at Walgreens and Littmans Jewelry store. Uso kasi dun more than 1 job. Sa sales sya in both companies at proudly lagi syang number 1 sa sales. Dun daw, you do everthing, ikaw na nag-sales talk, ikaw pa din ang magpapasok ng benta at mag-operate ng kaha. Napapagod na raw sya but she like the benefits of working, bukod sa nakakalibang, ok ang health insurance at ok ang kita. Sa mga lakaran namin dito, ako pagod na pero sya high energy pa din.
Hay, nakakamiss. Kaya nga ba super-relate ako blog entry ni Bingerly about pining for her parents.
Subscribe to:
Posts (Atom)