Tuesday, March 13

A TEENAGER’S LAMENT

This letter made the rounds last year via text messaging…


Dear Daddy,

Sorry sa sulat ko... Gusto ko na kasing umalis sa poder ninyo. Sasama na ako sa boyfriend ko. Natagpuan ko na ang tunay na pag-ibig. Napakabait niya at malambing, di tulad ng iba. Matutuwa kayo sa kanya specially sa mga hikaw at tatoo sa katawan nya. Di lang sa mahal ko sya kundi buntis din ako. Sabi nya ok daw para sumaya ng pagsasama namin. Maliit lang age gap namin, 65 lang sya at wala syang pera. Di ito hadlang sa amin. May trailer truck sya at dun kami titira. Kahit may ibang girlfriend sya, alam kong tapat sya in his own way. Tinuruan nya akong humithit ng damo at may tanim din sya nito. Minsan pinapalitan namin ng shabu. Ipagdasal mo din na matuklasan na ang gamot sa AIDS para gumaling na bf ko. Deserving sya gumaling! Don't worry, I'm 15 na Dad at alam ko na alagaan ang sarili ko. In time, you'll be proud of me. Minsan bibisita kami para makilala mo sya at ang apo mo.

Love,
Gabriela

P.S. Dad, si tutuo lahat ng sinabi ko sa sulat. Nandito lang po ako sa kapitbahay. Gusto ko lang malaman mo na madami pang mas nakakatakot sa buhay kesa sa REPORT CARD ko sa drawer ni Mommy. Papirma na lang po kasi may bagsak ako :)